Letters/Brieven in:

Ang mga Liham mula sa Kristo ay naihanda na para inyong idownload. Kung nangangailangan kayo ng libreng bersiyon ng Adobe Reader maaari ninyong idownload DITO. Ito ay magbibigay sa inyo ng kakayahan upang tingnan at iimprinta ang mga Liham.


BIGYANG PANSIN: Ang Mga Liham mula sa Kristo ay isinalin sa Tagalog ng isang mag-aaral. Hindi dumaan ang mga ito sa mga pampatnugutang pagwawasto, kaya ipinapakiusap na pakisangguniin ang orihinal na salin sa wikang Ingles, sakaling mayroon kayong mabasang hindi naaangkop o maling mga pagkakasalin.
Ang mga puna at mga mungkahi upang mapagbuti ang pagkakasalin sa Tagalog ay lubos na tinatanggap!

Marami pong salamat sa inyong pag-unawa.

Idownload ang lahat ng naihandang mga Liham: daanngkristo.zip (2.7 MB)

Liham 1. Ang Kristo ay naghahayag ng kanyang dahilan sa pagbabalik upang idikta ang mga Liham na ito. Nagsasabi na ang sangkatauhan ang nagdadala ng kanilang sariling pagdurusa sa pamamagitan ng kanilang mga pag-iisip at mga ginagawa. Ipinapaliwanag kung bakit ang kanyang tunay na misyon sa lupa ay hindi naitala nang maayos. Isinasaad na walang bagay  gaya ng ‘kasalanan laban sa Diyos’ ni hindi rin naunawaan ang ating tunay na Pinagmulan ng Pagiging lalang. Isinasalarawan ang kanyang anim na linggo sa disyerto at kung ano talaga ang tunay na nangyari- ano ang kanyang natutunan at kung paano ang karunungan ay nakapagpabago sa kanya mula sa pagiging rebelde tungo sa pagiging Master at Manggagamot.
Download Liham 1: Liham 1.pdf (290 KB )

Liham 2. Pagpapatuloy ng kwento ng buhay niya sa lupa, ang kanyang pagbabalik sa kanyang ina sa Nazareth at ang pagtanggap ! Ang kanyang unang pampublikong pagpapagaling at ang malawakang pagtugon. Ang pagpili ng mga alagad, Ang kanyang tunay na mga turo.
Download Liham 2: Liham 2.pdf (290 KB )

Liham 3. Ipinagpapatuloy ang mga kaganapan ng buhay, mga turo, ang kanyang pagkakaalam na ang kanyang oras sa lupa ay maikling mapuputol sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus. Ang mga bagay na ginawa niya na nakakanti sa galit ng mga relihiyosong pinunong Hudyo. Ano baga talaga ang nangyari at nasabi sa ‘Huling Hapunan’ , ang mga asal ng mga alagad, at ang katotohanan tungkol sa kanyang ‘pagtaas’.
Download Liham 3: Liham 3.pdf (242 KB )

Liham 4. Pinagsamasama ng Kristo ang mga hibla ng kanyang mga aral sa Palestina at sinasabi na siya at si Muhammad, si Buddha at lahat ng ibang mga Master ay nagpatuloy upang ispiritwal na malinang hanggang sa silang lahat ay tumaas patungo sa KRISTONG KAMALAYAN. Nangungusap ang Kristo ng tungkol sa katotohanan ng sekswal na pakikipagrelasyon, sinasabi na ang pag-uugali sa pagitan ng mga lalaki at mga babae ay sa katapusan ay magbabago. Ang ispiritwal na paglago ay mangyayari at ang mga sanggol na mayroong bagong ispiritwal na potensiyal ay isisilang.
Download Liham 4: Liham 4.pdf (245 KB )

Liham 5. & Liham 6. Ang Kristo ay nagsisimulang magpaliwanag sa tunay na mga proseso ng paglikha. Siya ay nagpapahayag ng kung ano ang pinaniwalaan ng siyensiya at ng mga doktrinang pangrelihiyon  , hindi niya tinatanggap ang mga iyon at nagbibigay kahulugan sa KATOTOHANAN ng PAGIGING NARIRITO.
Siya ay nagbibigay ng detalye sa katotohanan tungkol sa pantaong ego, - ang mga paraan ng panlupang pagkaindibidwal at samakatuwid ay kinakailangan , ngunit ay pinagmumulan din ng lahat ng pagdurusa.
Download Liham 5: Liham 5.pdf (294 KB )
Download Liham 6: Liham 6.pdf (287 KB )

Liham 7. Ang Kristo ay nagsasalarawan ng katotohanan patungkol sa akto ng pagsisiping – ano talaga ang nangyayari sa paraang ispiritwal at pisikal. Paano ang mga sanggol ay isinilang sa iba’t ibang mga antas ng kamalayan. Siya ay nagpapaliwanag ng katayuan ng mga lalaki at mga babae sa mundong kaayusan.
Download Liham 7: Liham 7.pdf (249 KB )

Liham 8. Ang Kristo ay nagpapaliwanag ng katunayan ng mga lalaki at mga babae, paano mabuhay sa loob ng mga BATAS ng PAGIGING NARIRITO at dumating tungo sa estado ng maharmonyang pinagpalang antas ng pagiging lalang sa kung sa alin ang lahat ng mga bagay ay may kasaganaang naipagkakaloob, ang kalusugan ay muling napapanumbalik, at ang ligaya ay nagiging isang likas na estado ng pag-iisip. Bawat indibidwal ay maaaring makaabot sa panloob na antas na ito ng pagkapinagpala, at ang kapayapaan ay pagkatapos ay magiging ang layi.
Download Liham 8: Liham 8.pdf (310 KB )

Liham 9. Pinagsasama sama ng Kristo ang mga bukas na mga hulihan ng kanyang ibang mga Liham at nagsasabi sa mga tao nang may kapayakan kung paano mapagtatagumpayan ang ego, makakukuha ng tunay na pagpapahalaga sa sarili at makakaranas ng galak ng perpektong panloob na kapayapaan. Siya ay bumabanggit tungkol sa rasismo at ang personal na mensahe ng pagpapalakas ng loob at pagmamahal sa lahat na nahalina ng kanyang mga Liham.
Download Liham 9: Liham 9.pdf (240 KB )

PORMULARYO UPANG KAMI AY MAKATUGON

If you can help with the Tagalog translation, please let us know.
Pangalan :
Elektronikong liham :


N.B. If readers quote from Christ's Letters, the Source of the quotations must be clearly named: CHRIST'S LETTERS, www.christsway.co.za, (Book Title: CHRIST RETURNS - SPEAKS HIS TRUTH, second edition: CHRIST RETURNS - REVEALS STARTLING TRUTH)

© No part of this web site may be reproduced in any form or by any means without permission from Christ's Way.
If wishing to quote from CHRIST'S LETTERS in any form, please first gain written permission from Christ's Way.